December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Ang lala ng kaartehan!’ BINI, binatikos matapos lumantak ng Pinoy snacks

‘Ang lala ng kaartehan!’ BINI, binatikos matapos lumantak ng Pinoy snacks
Photo Courtesy: Screenshots from People Vs. Food (YT)

Sentro na naman ng batikos ang Nation’s girl group na BINI matapos nilang sumalang sa “People Vs. Food”, na kinikilala umano bilang numero unong food and cooking destination.

Sa isang episode kasi ng nasabing show kamakailan, ni-rate ng BINI ang ilan sa iconic Filipino snacks matapos nilang tikman ang mga ito.

Ilan sa mga inihain sa kanila ay kwek-kwek, isaw, yema, betamax, mamon, turon, taho, balut, hopia baboy, at marami pang iba. 

Ngunit ayon sa mga netizen, tila lumabas umano ang kaartehan ng BINI matapos lantakan ang mga pagkain na parang hindi nila ito natikman noong wala pa sila sa rurok ng kasikatan. Narito ang ilang komento:

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

"Pustahan lahat yan nakain na nilaaaa bago pa ang fame nila. Pero bakit ang aarte"

"Trying hard pa yung English and accent nila "

"Galing magpanggap ni Gwen hahahahha"

"kala mo hindi nanggaling sa laylayan yung isa HAHAHAHAHA"

"Ang lala ng kaartehan "

Samantala, may ilan din namang netizens ang dumepensa para sa BINI. Narito naman ang kanilang panig:

"REAL TALK :KUNG IBANG PPOP GROUP TO LIKE ESBI OR ANY OTHER GROUP NDE GANITO ANG ENGAGEMENT KASI WALA NAMAN MAY PAKI SA KANILA MALIBAN SA FANS PERO BINI NA TO NASA KANILA ANG CLOUT"

"Aminin nyo mga picky eater rin naman kayo hindi lang kayo sikat. Akala mo mga hindi nag iinarte sa bahay kapag ang nakahain ay hindi gusto. Mga pinoy talaga bawal magpakatotoo dapat plastik para mahalin ng mga tao ganun ba dapat?"

"Its understandable ... Not all filipino people eat some of the food shown or givin to them ... Not all of us Filipino's eat Balut , isaw or some other filipino food even we are Filipino ... Kaya wag kayong OA makapag comment ..."

"NOTE: MAY KANYA-KANYANG PANGLASA AT GUSTO ANG MGA TAO PO SO ANONG MASAMA DOON KUNG MAGBIGAY SILA NG SALOOBIN ABOUT SA PAGKAIN NA KINAKAIN NILA MAY MASAMA BA DOON PARANG WALA NAMAN. ITONG MGA TAONG ITO HINDI SIGURO ALAM MAY KANYAN KANYANG PANGLASA AT GUSTO ANG MGA TAO"

"nakakahiya daw BINI pero hindi ba't kahihiyan na rin pinaggagagawa niyo sa comsec? so ano pinagkaiba HAHAHA at talagang nagkaroon pa kayo ng oras dito ah sisipag naman"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag ang Nation’s girl group hinggil sa mga ibinabatong batikos sa kanila.