December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Amanos! 2 magsasaka, parehong tumba matapos magpatayan

Amanos! 2 magsasaka, parehong tumba matapos magpatayan
Photo courtesy: Pexels

Patay ang dalawang lalaking magsasaka matapos manaksak ang isa sa kanila habang isa naman ang gumanti at mamaril sa Davao del Sur.

Ayon sa mga ulat, kinilala ang mga biktima na sina alyas “Bobby,” 43-anyos at alyas, “Edi,” 55 taong gulang.

Lumalabas sa imbestigasyon na lasing noon si Bobby nang bigla niyang atakihin ng saksak si Edi na tinamaan sa kaniyang tiyan. Bago tuluyang bumulagta, nakuha pa raw ni Edi sa kaniyang bewang ang dalang baril at saka pinaputukan si Bobby. Nagtamo siya ng maraming tama ng bala sa kaniyang katawan.

Samantala, sinubukan pang dalhin sa ospital ang dalawa, ngunit kapuwa sila idineklarang dead on arrival.

Probinsya

59-anyos na lalaki, arestado sa kasong acts of lasciviousness, statutory rape

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posible raw pinag-ugatan ng gulo ng nasabing dalawang magsasaka.