January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

10 aso, nilason matapos umanong manira ng tanim na mais

10 aso, nilason matapos umanong manira ng tanim na mais
Photo courtesy: Contributed photo

Patay na nang natagpuan ang 10 alagang aso sa Ormoc City, Leyte matapos umanong lagyan ng lason ang kanilang mga pagkain.

Ayon sa mga ulat, malakas ang hinala ng may-ari ng mga aso na isang magsasaka raw ang may kagagawan sa sinapit ng kanilang mga alaga. Minsan na raw kasing sinira ng naturang mga aso ang pananim na mais ng hinihinalang suspek.

Sinubukan pa raw suriin ng may-ari ng mga aso ang pakaain nilang kain at isa kung saan nila nakumpirma na tila hinaluan daw ito ng lason.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang magsasakang sinasabing suspek umano sa pagpatay sa mga aso. Desidido namang magsampa ng kaso ang may-ari ng mga asong biniktima.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos