Nagpahayag ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte para sa tatlong Pilipinong na nasawi sa pang-aatake ng grupong Houthi sa isang barko sa Red Sea.
Sa isang video message sa kaniyang Facebook page nitong Biyernes, Hulyo 11, 2025, iginiit ng Pangalawang Pangulo ang hangad daw niyang hustisya para sa tatlong Pinoy seafarers na nasawi.
“Ipinapaabot ko, kasama ang buong Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, ang aming pakikipagdalamhati sa pamilya ng tatlo nating kababayan na OFW seafarers na namatay sakay ng MV Eternity C,” ani VP Sara.
Dagdag pa niya, “Aming pinagdarasal ang hustisya para sa kanilang tatlo at kaligtasan ng kanilang mga kasamahan.”
Matatandaang noong Hulyo 7, nang atakihin ng Iran-sponspored group na Houthi ang cargo ship na Eternity C lulan ang 22 crew members kung saan 21 sa kanilang ay mga Pilipino at 1 ang Russian national.