Nagbigay ng pahayag ang vlogger na si Cherry White matapos sabihin ng Land Transportation Office (LTO) na sususpindehin umano ang lisensya niya dahil sa ginawa niya habang nagmamaneho.
Ayon kay Acting Assistant Secretary at LTO chief Greg G. Pua nitong Biyernes, Hulyo 11, maaari umanong humantong sa disgrasya ang walang ingat na pagmamaneho ni Cherry na mapapanood sa isang viral video.
MAKI-BALITA: LTO, sususpendihin lisensya ng isang vlogger na nakataas hita habang nagmamaneho
Makikita kasing nakataas ang hita ni Cherry habang nagmamaneho ng sasakyan na maaari umanong ikapahamak ng iba pang motorista.
Kaya naman sa latest Facebook post ng vlogger nitong Biyernes, Hulyo 11, humingi siya ng tawad sa LTO.
“[S]orry na mag eebike nalang ako nadali ako labas kasi bulbulll ko e ” saad ni Cherry sa caption.
Batay sa inisyung show cause order ng LTO, inatasan si Cherry ng ahensya na magpaliwanag kung bakit hindi dapat siya managot sa paglabag sa Section 27 ng Republic Act 3136 na may kaugnayan sa reckless driving.
Kaya naman pinahaharap siya ng LTO sa Central Office nito na matatagpuan sa Quezon City.