December 13, 2025

Home BALITA

Resolusyon ni Sen. Alan Peter na i-house arrest si FPRRD, sinagot ng Palasyo: 'Noted!'

Resolusyon ni Sen. Alan Peter na i-house arrest si FPRRD, sinagot ng Palasyo: 'Noted!'
Photo courtesy: screenshot from RTVM, ICC/YT, MB file photo

Bahagyang tumugon ang Malacañang nang tanungin sa isinusulong na resolusyon ni Sen. Alan Peter Cayetano hinggil sa pagha-house arrest na lamang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang press briefing nitong Biyernes, Hulyo 11, 2025, ibinala ni Palace Press Undersecretary Claire Castro ang naging tugon daw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa usapin ng interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nagsalita na po ang ating SOJ Boying Remulla, patungkol po sa interim release at kung may mga ganiyan pong suggestion mula kay Sen. Alan Cayetano, noted,” ani Castro.

Nang itanong kung ipapaubaya na lamang daw ng Palasyo sa Department of Justice (DOJ) ang sitwasyon ni dating Pangulong Duterte, saad ni Castro, “Sa mabibigay ko lang po ngayon, [ay] noted!”

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Matatandaang laman ng nasabing resolusyon ni Cayetano himukin ang gobyerno na hilingin ang pansamantalang paglaya ni dating Pangulong Duterte mula sa International Criminal Court (ICC), at ilagay ito sa ilalim ng house arrest sa Philippine Embassy sa The Hague, Netherlands.

Kasalukuyang nakadetine sa kustodiya ng ICC ang dating Pangulo na nahaharap sa kasong crimes against humanity bunsod ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Inirerekomendang balita