Patay ang isang 57 taong gulang na public teacher sa Mandaue City matapos sumemplang ang sinasakyan niyang motor at masagasaan ng isang SUV.
Ayon sa mga ulat, sakay ang biktima sa isang motor na minamaneho ng isa pang lalaki habang binabaybay ang kahabaan ng H. Abellana Street, Barangay Basak. Nasa likurang bahagi naman nila ang isang SUV nang bigla raw nilang mabangga ang isang aso, dahilan upang sila ay sumemplang.
Doon na raw nagulungan ng SUV na minamaneho ng isang 18 taong gulang na babae ang dalawang sakay ng motor.
Sinubukan pa silang dalhin sa ospital ngunit dead on arrival na raw ang teacher habang kritikal naman ang isa pa niyang kasamahaan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa maaaring managot sa nangyaring aksidente.