December 13, 2025

Home BALITA

Private sector, iginiit halaga ng K to 12

Private sector, iginiit halaga ng K to 12
Photo Courtesy: MB file photo

Nagkaisang bumoses ang pribadong sektor upang muling pagtibayin ang kanilang pagsuporta sa K to 12 curriculum at sa panawagan ng pangulo na linangin ang implementasyon nito.

Sa pahayag na inilabas ng De La Salle Philippines kasama ang business community at iba pang civil society group noong Huwebes, Hulyo 10, sinabi nilang kinikilala umano nila ang K to 12 bilang mahalagang bahagi sa paghahanda ng kabataan Pilipino.

Hindi lang sa pagtatrabaho kundi para din sa panghabambuhay na pagkatuto at pagiging aktibong mamamayan ng bansa.

“In light of ongoing proposals to remove the senior high school (SHS) program, we believe that doing so would be a step backward in our collective efforts to improve the Filipino workforce,” saad nila.

Mahigit 100 Pinoy, lumikas dahil sa sigalot ng Thailand-Cambodia

Kaya naman sa halip na baklasin ang programa, nanawagan silang ituon na lang ng gobyerno sa pagpapatatag ang implementasyon nito. 

Anila, “Instead of dismantling the program, we call on the government to focus on strengthening its implementation by addressing foundational core skills and aligning education outcomes with needs of the economy.” 

“At the same time, continue to build on current reforms including the pilot roll-out of the enhanced SHS curriculum, to work in partnership with private education, and to expanding the work immersion program to boost employability,” dugtong pa ng pribadong sektor.

Matatandaang isinusulong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na lusawin na ang senior high school  level K to 12 program ng basic eduction.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Jinggoy Estrada, ipu-push na mabaklas ang SHS sa K-12

Samantala, gusto namang tapyasan ni Senador Win Gatchalian ang taong igugol ng mga estudyante sa kolehiyo upang makatapos sila nang mas mabilis sa pag-aaral. 

MAKI-BALITA: College years, bet tapyasin ni Sen. Win Gatchalian