Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng dagdag sa singil sa kuryente ngayong Hulyo.
Ayon sa Meralco, ang taas-singil ay aabot sa 49 sentimo kada kilowatt hour (kWh). Ito ay bunsod daw nang mas mataas na generation at transmission charges.
Nangangahulugan anila ito na ang mga tahanang kumukonsumo ng kuryente na 200 kwh kada buwan ay magkakaroon ng dagdag na ₱98 sa kanilang bayarin.
Ang mga nakakagamit naman ng 300 kwh ay magkakaroon pa ng dagdag na bayarin na ₱146 habang ₱195 naman sa nakakakonsumo ng 500 kwh kada buwan. Nasa ₱244 naman ang dagdag na bayarin ng mga nakakagamit ng 500 kwh kada buwan.