Isa na namang vlogger na kinilalang si Cherry White ang masasampolan ng Land Transportation Office (LTO) matapos suspendihin ang lisensya nito.
Ayon kay Acting Assistant Secretary at LTO chief Greg G. Pua nitong Biyernes, Hulyo 11, maaari umanong humantong sa disgrasya ang walang ingat na pagmamaneho ni Cherry na mapapanood sa isang viral video.
“The information we received was that this personality has a strong following on social media and the video showing her unsafe driving practice is dangerous since it could be misinterpreted that it is okay to do that,” saad ni Pua.
Dagdag pa niya, “We are now investigating this incident and it starts with the issuance of a show cause order against her.”
Batay sa nakalap na mga impormasyon, makikita umanong nakataas ang hita ni Cherry habang nagmamaneho ng sasakyan nito na maaaring ikapahamak ng iba pang motorista.
Matatandaang kamakailan lang ay sinuspinde rin ng LTO ang lisensya ng negosyante at content creator na si Josh Mojica matapos kumalat ng video umano nito kung saan mapapanood na gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho ng sports car.
MAKI-BALITA: LTO, sinuspinde lisensya ni Josh Mojica