December 13, 2025

Home BALITA

LPA sa labas ng PAR, naging mahinang bagyo na

LPA sa labas ng PAR, naging mahinang bagyo na
PAGASA

Tuluyan nang naging tropical depression o mahinang bagyo ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA nitong Biyernes, Hulyo 11. 

Ayon sa PAGASA sa weather forecast nitong alas-singko ng hapon, as of 2:00 PM ay naging tropical depression ang naturang LPA sa labas ng PAR.

Namataan ang tropical depression sa layong 1,920km East Northeast ng Itbayat, Batanes. 

Bagama't naging bagyo na ito, hindi ito inaasahang pumasok sa PAR. Wala rin itong direktang epekto sa loob ng bansa sa mga susunod na araw.

Politics

‘Isa kang boba!’ Larry Gadon, pinagbibitiw si VP Sara

Patuloy nakakaapekto sa malaking bahagi bansa ang Southwest Monsoon o hanging Habagat na nagdudulot ng pag-ulan.

Samantala, posibleng may mamuong LPA sa susunod na tatlong araw sa labas ng PAR.