Nagulantang ang ang ilang residente sa kahabaan ng Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila matapos umakyat sa poste ng kuryente ang ang isang lalaking nag-amok noong Huwebes ng gabi, Hulyo 10, 2025.
Ayon sa mga ulat, nauna raw mag-amok ang lalaki dahil sa kaniyang problema sa kaniyang kinakasama na hinihinala niyang may ibang karelasyon, hanggang sa humantong siya sa pag-akyat sa poste ng kuryente.
Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at sinubukang pakalmahin ang sitwasyon.
Bahagya raw silang nahirapan pababain ang lalaki dahil sa takot nito nang makakita ng mga pulis at bunsod na rin ng mga taong nagkumpulan sa ibaba ng poste.
Inabot ng halos 12:00 nitong madaling araw ng Biyernes, Hulyo 11, nang maibaba ang lalaki. Agad naman siyang naiuwi sa Barangay 308 kung saan siya residente, kasama ng kaniyang mga kaanak.