December 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Giselle Sanchez, pinagsisihang naging si ‘Cory Aquino’

Giselle Sanchez, pinagsisihang naging si ‘Cory Aquino’
Photo Courtesy: Viva Artists Agency (IG), Giselle Sanchez (FB)

Naghayag ng pagsisisi ang host-actress-beauty queen-columnist na si Giselle Sanchez sa pagganap niya bilang si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino sa kontrobersiyal na pelikulang “Maid in Malacañang.”

Sa upcoming episode ng “The Men’s Room,” sinabi ni Giselle na sana raw ay inisip niya muna ang bansa at ang unibersidad na pinag-aralan niya.

“Pinagsisihan ko 'yan. Kasi sabi nila, ‘Giselle, UP ka.' Ba't mo ginawa 'yon. Hindi ko inisip, e, “ lahad ni Giselle. 

Dagdag pa niya, “Sana inisip ko nga naman taga-UP ako. Sana inisip ko 'yong bansa ko bago ko tinanggap 'yon. Kasi inisip ko lang, artista ako.”

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Sa katunayan, ayon kay Giselle, iniyakan pa raw niya ang mga natanggap niyang batikos dahil sa pagganap bilang si Cory.

Matatandaang sa isang Instagram post ay nakiusap pa ang aktres sa publiko na huwag siyang i-bash dahil ginagawa lang umano niya ang kaniyang trabaho.

MAKI-BALITA: 'Walang personalan, trabaho lang!' Giselle, nakiusap na 'wag i-bash dahil gaganap sa 'Maid in Malacañang'

Ngunit sa kabila nito, tila hindi nakumbinsi ni Giselle ang lahat sa inilatag niyang paliwanag tulad ni award-winning director at playwright Floy Quinto na aniya’y ang “Maid in Malacañang” daw ay hindi likhang-sining kundi isa lamang pang-iinis.

MAKI-BALITA: Direk Floy Quintos, binanatan si Giselle Sanchez sa paliwanag nito kung bakit tinanggap ang MiM