January 29, 2026

Home BALITA

Bangkay ng pinagnakawan at nawawalang TNVS driver noong Mayo 18, natagpuan na!

Bangkay ng pinagnakawan at nawawalang TNVS driver noong Mayo 18, natagpuan na!
Photo courtesy: Contributed photo

Natunton na ang bangkay ng nawawalang transportation network vehicle services (TNVS) driver na pinagnakawan ng tatlong suspek sa Cavite noong Mayo 18, 2025.

Ayon sa mga ulat, kusang-loob na sumuko ang tatlong suspek na pawang mga nasa edad 24, 30 at 33 taong gulang na mga lalaki na mismong nagturo sa mga awtoridad kung saan nila itinapon ang bangkay ng biktima.

Nitong Biyernes, Hulyo 11, sinamahan ng tatlong suspek ang mga awtoridad sa Nueva Ecija kung saan nila kumpirmadong itinuro ang bangkay ng biktima. Nakatakdang isailalim sa forensic examination ang bangkay na narekober sa naturang lugar.

Matatandaang kamakailan lang nang pumutok ang mga ulat tungkol sa sinapit ng biktima sa kamay ng noo’y mga hindi pa tukoy na suspek matapos nilang i-book ang biktima sa Parañaque City noong Mayo 18, na papunta raw ng Molino sa Cavite, batay na rin sa narkeober na dashcam footage sa sasakyan ng biktima.

Probinsya

Mga umaaligid na pating, isa sa mga hamon ng ‘search and rescue’ sa MV Trisha Kersten 3

Samantala, pagsapit ng 2:00 pm ng Mayo 18 nang makita naman sa CCTV sa Valenzuela ang pagdaan ng sasakyan ng biktima kung saan bumaba ang dalawang sakay nito na sumakay sa pedicab at saka lumipat sa isa pang sasakyan. Magmula noon ay bigo nang natagpuan ang katawan ng biktima.

KAUGNAY NA BALITA: TNVS driver na hinihinalang pinatay noong Mayo, hindi pa rin matagpuan ng mga kaanak

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang gumugulong na ang mga reklamong ipapataw sa mga sumukong suspek.