December 14, 2025

Home BALITA

3 suspek kabilang 2 menor de edad na pumatay at nagnakaw sa isang dalaga, timbog!

3 suspek kabilang 2 menor de edad na pumatay at nagnakaw sa isang dalaga, timbog!
Photo courtesy: Contributed photo

Hawak na ng pulisya ang tatlo sa apat na suspek sa karumaldumal na pananaksak sa isang 21 taong gulang na kolehiyala sa Tagum City, Davao del Norte.

Ayon sa mga ulat, naunang natimbog ng mga awtoridad ang isang 14-anyos at 17 taong gulang na mga binatilyo sa isang boarding house malapit sa pinangyarihan ng crime scene noong Huwebes, Hulyo 10, 2025.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakakuha ng lead ang pulisya sa CCTV malapit sa bahay ng biktima kung saan nakuhanan ang pagtakas ng mga suspek matapos ang krimen. Nabigyang pagkakakilanlan daw ang mga suspek dahil sa kulay ng kanilang mga buhok na nahagip sa CCTV.

Narekober sa kanila ang laptop, iPad, cellphone at dalawang relo ng biktima at maging ang dalawang kutsilyo na hinihinalang ginamit ng mga suspek laban sa biktima.

Probinsya

Lalaki, arestado matapos masamsaman ng ₱13.6M halaga ng shabu, paraphernalia

Samantala, nasakote na rin ng mga awtoridad ang isa pang 19-anyos na suspek nitong Biyernes, Hulyo 11 na namataang paikot-ikot daw sa boarding house kung saan naaresto ang kaniyang mga kasamahan.

Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang isa pang suspek na siya umanong utak sa pagpaslang sa biktima.

Matatandaang noong Hulyo 9 nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng pamamahay nito kung saan napag-alamang nagtamo siya ng aabot sa 38 saksak.

KAUGNAY NA BALITA: Dalaga sa Tagum City, natagpuang patay sa loob ng kuwarto; biktima may higit 20 saksak!

Kasalukuyang ng nakaburol ang biktima habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon.