December 13, 2025

Home BALITA

Tamang presyo ng gamot, maaari nang makita sa eGovPH app

Tamang presyo ng gamot, maaari nang makita sa eGovPH app
DOH

Maaari nang makita sa eGovPH application ang tamang presyo ng gamot, ayon sa Department of Health (DOH).

Inilunsad ng DOH ang "Drug Price Watch" feature sa eGovPH application kung saan nagbibigay-daan sa publiko na suriin at ikumpara ang mga presyo ng mga gamot. 

Alinsunod sa Universal Health Care Law at sa Generics Act of 1988, layunin ng DOH na paghusayin ang access ng mga Pilipino na matingnan ang abot-kaya at de-kalidad na pharmaceutical products.

Gayunman, nagpaalala rin ang ahensya  sa publiko na mahalaga pa ring sundin ang reseta ng kanilang doktor at pagpapanatili ang regulat na pag-inom ng maintenance na gamot upang maiwasan ang paglala ng kanilang kondisyon. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Samantala, maaaring ma-download ang eGovPH app aa Google Play at App Store.

Narito ang hakbang kung paano tingnan ang mga presyo.

- Mag-register sa application
- Hanapin sa dashboard ang "NGA" o National Government Agencies option, at pindutin ito.
- I-search ang DOH sa search box.
- Pindutin ang “Drug Price Watch” option.
- I-type ang brand o generic name ng gamot at ilagay lugar ng pinakamalapit na pharmacy.