December 15, 2025

Home BALITA

Sen. Bam, pinabulaanan pag-eendorso niya ng 'investing scam'

Sen. Bam, pinabulaanan pag-eendorso niya ng 'investing scam'
Photo courtesy: Bam Aquino/Facebook

Umalma si Sen. Bam Aquino sa kumakalat umanong video na nagpapakita ng kaniyang pag-endorso sa isang investment.

Ayon sa Facebook post ng senador noong Miyerkules, Hulyo 9, 2025, iginiit ni Aquino na iniuugnay daw siya sa isang pekeng programa na nagbibigay ng malaking kita.

"Hindi po totoo ang mga video kung saan ini-endorso ko raw ang isang programang nangangako ng malaking kita kapalit ng investment," aanang senador.

Dagdag pa niya, "Scam po ito. Ginagamit ang pangalan at mukha natin para makapanloko ng kapuwa."

National

‘Impeachment process, 'di sapat para mapanagot si VP Sara!’—Ex-DOF Usec. Cielo Magno

Giit pa ni Aquino, pawang artificial intelligence (Ai) lamang daw ang nasabing mga video na kumakalat kung saan makikita ang kaniyang larawan at iba pang beteranong news anchors ng ABS-CBN News na sina Karen Davila at Karmina Constantino.

"Nananawagan ako sa ating awtoridad na imbestigahan at alamin ang mga nasa likod ng AI videos na ito at papanagutin sila sa kanilang ginawa," aniya Sen. Bam.

Nakiusap din ang senador na ipakalat ang nasabi niyang FB post upang wala na raw mabiktima ng maling impormasyon.

"Paki-share po ang warning na ito para wala nang malinlang pa. Maraming salamat at ingat po tayong lahat," aniya.