December 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Respicio kay Garcia: 'Hala ka, makukulong ka na ng habambuhay!'

Respicio kay Garcia: 'Hala ka, makukulong ka na ng habambuhay!'
Photo courtesy: screengrab from Atty. Harold Respicio/FB, MB File photo

Kumbinsido ang grupo ni Isabela Vice Mayor Atty. Harold Respicio na ipakulong nang habambuhay si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, kaugnay ng anila’y manipuladong resulta ng eleksyon.

MAKI-BALITA:  Higit 50 million counts of cybercrime, isinampa sa NBI laban kay Comelec Chairman Garcia at iba pa

Ayon kay Respicio, wala raw lusot si Garcia sa mga kasong isinumite nila matapos silang magsampa sa National Bureau of Investigation (NBI) ng 50 million counts of cybercrime dahil sa umano’y “system interference” na nangyari sa automated counting machines (ACM). 

"Nandito po kami ngayon dito sa NBI para ipakulong si Chairman George Garcia. Chairman George, hala ka, makukulong ka na ng habambuhay. Dahil nagsampa kami sa iyo ng mahigit na 50 milyong counts ng cybercrime," ani Respicio sa media.

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

Paliwanag pa ni Respicio, umabot ng 50 million counts of cybercrime ang kanilang inihain bilang katumbas daw sa bawat balotang dumaan sa ACM na ginalaw ng komisyon.

“Bakit po mahigit 50 million counts? […] Dahil po, sa paggamit ng software, kada shoot mo ng balota ay isang pag-operate po ‘yun ng software. Kaya kapag gumamit ka ng maling software, kada basa ng balota, isang instance po iyun ng system interference," ani Respicio.

Paliwanag pa ni Respicio, ang parusa raw kasi sa bawat system interference ay anim na taong pagkakakulong at may multa ng mahigit ₱200,000 kasa counts ng kasong kanilang kinahaharap.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, iginiit ni Garcia na ipinagkakatiwala na raw nila sa NBI ang nasabing mga alegasyon laban sa kanila.

"Pinagkakatiwalaan po ng sambayanan ang NBI at ganoon din po kami sa Komisyon. Lahat po ng mga binabanggit nila ay matagal at paulit ulit na po naming nasagot at pinabulaanan." ani Garcia.

BASAHIN: Matapos sampahan ng kaso: Garcia, nanindigang matapat ang resulta ng halalan!