December 13, 2025

Home BALITA

Panukalang ideklara bilang heinous crime ang EJK, inihain ng quad comm

Panukalang ideklara bilang heinous crime ang EJK, inihain ng quad comm
MB FILE PHOTO

Inihain ni Manila 6th District Rep. Bienvenido "Benny" Abante Jr., kasama ang miyembro ng House Quad Committee, ang panukalang batas na nagdedeklara sa extrajudicial killings (EJK) bilang heinous crime. 

Ang naturang panukalang batas ay ang Anti-Extrajudicial Killing Act na naglalayong ideklara ang EJK bilang heinous crime. Nilalayon din nito ang pagpataw ng habambuhay na pagkakakulong ng mga public official o state agents na gumawa o nag-uutos ng mga pagpatay. 

“Impunity ends when accountability begins. This measure classifies EJKs as heinous crimes and ensures that a title, a uniform, or a badge can shield perpetrators from justice,”  ani Abante nitong Miyerkules, Hulyo 9.

Bukod dito, inihain din ng quad-comm ang Civil Forfeiture bill na naglalayong bawiin ang mga iligal na nakuhang lupa ng mga dayuhan. 

'Di kami namimilit!' Mga Duterte, nananatili hangga't gusto ng tao—FPRRD

“These measures are meant to correct long-standing wrongs, evils that were uncovered during our marathon quad-comm hearings in the 19th Congress. No one is above the law—not those who violate the Constitution for profit, and certainly not those who commit murder in the name of law enforcement," ayon pa kay Abante. 

Samantala, kinumpirma ni Abante na muli nilang bubuoin ang Quad-Comm ngayong 20th congress.