December 21, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Paalala ng life coach: '5 years from now... your GWA, degree won’t matter!'

Paalala ng life coach: '5 years from now... your GWA, degree won’t matter!'
Photo courtesy: Alec Cuenca (FB)/Freepik

Sa isang makabuluhang Facebook post na mabilis na naging viral online, ibinahagi ng kilalang life coach, keynote speaker, podcast host, at content creator na si Alec Cuenca ang isang paalala na tumama sa damdamin ng maraming kabataan, lalo na sa mga bagong nagtapos ng kolehiyo.

Sa kaniyang post, tinuran ni Cuenca: “5 years from now… Your GWA won’t matter. 5 years from now…"

"Your degree won’t matter. 5 years from now…"

"No one will ask: ‘Uy, regular ka ba o irreg nung college?’

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

"‘Ilang beses ka nag-retake ng subject?’"

"‘Latin honor ka ba?’"

"It. Won’t. Matter.”

Sa panahon kung kailan mataas ang pressure sa mga estudyante na tapusin ang kolehiyo nang “on time” at may Latin honors, tila isang makahulugang sampal daw ang mensahe ni Cuenca para sa lipunan—na madalas ay sinusukat ang halaga ng tao batay sa academic achievements at numero.

Ayon pa sa kaniya, ang pagtatapos ay hindi wakas kundi simula.

“Graduation is not the END… It’s the BEGINNING,” ani Cuenca.

Pagkatapos ng kolehiyo, binigyang-diin niya na ang mga dating sinusunod na syllabus, lectures, at instructions ay napalitan na ng sariling desisyon at direksyon sa buhay.

“This is the first time you get to write your own path."

"Design your own life."

"Study your own soul,” aniya.

Hindi rin itinago ni Cuenca ang kaniyang personal na karanasan, kung saan nagkaroon din siya ng mga bagsak na subject noong nasa kolehiyo siya, sa bawat semestre. Ngunit kalaunan ay nakapagtayo rin siya ng isang 8-figure company mula sa wala. Isa raw itong patunay na ang landas ng tagumpay ay hindi nakatali sa GWA o diploma.

Mensahe niya sa kabataan:

“So stop pressuring yourself to ‘have it all figured out.’"

"The real flex isn’t graduating ‘on time.’"

"The real flex is building a life that feels right, on your time," aniya pa.

Kamakailan lamang, naitala ng University of the Philippines (UP) Diliman sa Quezon City ang higit 1000 graduates nila na may Latin honors.

Umabot sa 241 estudyante ang magmamartsa na may pagkilala bilang mga summa cum laude, habang pumalo naman ng 1,143 ang mga magsisipagtapos bilang magna cum laude at 985 iskolar naman ang cum laude.

Sa kabuuang bilang, nasa 5,000 iskolar ng bayan mula sa UPD ang nagsipagtapos noong Linggo, Hulyo 6.

Bagama't mas mababa ang bilang ng mga nakasungkit ng summa cum laude ngayon kumpara noong 2024 na may 286 na mga mag-aaral, nahigitan naman ng mga magtatapos na magna at cum laude ang bilang noong nakaraang taon na nasa 1,109 (magna cum laude) at 788 (cum laude).

KAUGNAY NA BALITA: Mahigit 1,000 graduates ng UP Diliman, sumungkit ng Latin honors!