December 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Higit 50 million counts of cybercrime, isinampa sa NBI laban kay Comelec Chairman Garcia at iba pa

Higit 50 million counts of cybercrime, isinampa sa NBI laban kay Comelec Chairman Garcia at iba pa
Photo courtesy: Screengrab from Atty. Harold Respicio/FB, MB file photo

Pormal na nagsampa ng criminal complaints ang ilang mga abogado at civil society leaders laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia at iba pang tauhan ng nasabing komisyon, bunsod umano ng anomalya sa 2025 midterm elections.

Kabilang sa mga nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes, Hulyo 10, 2025 sina Isabela Vice Mayor Atty. Harold Respicio, Atty. Alex Lacson at dating  Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) president Franklin Ysaac.

"Nandito po kami ngayon dito sa NBI para ipakulong si Chairman George Garcia. Chairman George, hala ka, makukulong ka na ng habambuhay. Dahil nagsampa kami sa iyo ng mahigit na 50 milyong counts ng cybercrime," ani Respicio sa media.

Ayon pa sa grupo nina Respicio, pawang "system interference" umano ang ginawa ng Comelec sa mga resulta ng automated counting machine (ACM) upang mamanipula ang mga bilang ng boto nito.

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

"Umamin pa rin siya [Garcia] ng pag-delete ng mga election results. In particular, 5 million votes. Inamin niya po ‘yan sa media na after may ipadala yung mga election results na 5 million," saad ni Respicio.

Dagdag pa niya, "Bakit po mahigit 50 million counts? […] Dahil po, sa paggamit ng software, kada shoot mo ng balota ay isang pag-operate po yun ng software. Kaya kapag gumamit ka ng maling software, kada basa ng balota, isang instance po ‘yon ng system interference."

Samantala, sa hiwalay na pahayag iginiit ni Garcia na pawang paulit-ulit na lamang daw ang mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya at sa Comelec.

"Lahat po ng mga binanggit na alegasyon ay matagal na, at paulit-ulit na po naming nasagot at naipaliwanag, at mariing pinabulaanan ang mga maling akusasyon," anang Comelec Chairman.