January 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Dalaga sa Tagum City, natagpuang patay sa loob ng kuwarto; biktima may higit 20 saksak!

Dalaga sa Tagum City, natagpuang patay sa loob ng kuwarto; biktima may higit 20 saksak!
Photo courtesy: Contributed photo

Natagpuang patay ang isang kolehiyalang 21 taong gulang sa loob ng kaniyang kuwarto sa kanilang bahay sa Tagum City, Davao del Norte noong Miyerkules, Hulyo 9, 2025.

Ayon sa mga ulat, hindi bababa sa 20 saksak ang tinamo ng biktima nang matagpuan siya ng kaniyang mga magulang.

Lumalabas sa imbestigasyon na mainit pa raw ang bangkay ng biktima nang makita siya ng kaniyang mga magulang na naliligo na sa sariling dugo.

Hinala ng mga awtoridad, pagnanakaw ang motibo ng tinatayang tatlo hanggang apat na mga suspek. Napag-alamang kabilang sa mga nawawalang gamit ng biktima ay kaniyang cell phone, laptop at relo.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Posible umanong nagising ang biktima habang ninanakawan siya ng mga suspek, dahilan upang siya ay pagsasaksakin.

Ayon pa sa mga awtoridad, patuloy ang imbestigasyon nila upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nahagip daw sa CCTV.

Nananawagan na rin ang Davao Del Norte Police Provincial Office sa publiko na makipag-ugnayan sa kanila kung sakaling may narinig o nakitang kahina-hinala noong araw na nangyari ang krimen.