December 17, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga senyales na posibleng may demonyo sa bahay ninyo

ALAMIN: Mga senyales na posibleng may demonyo sa bahay ninyo
Photo courtesy: Freepik

Nararamdaman mo bang may kakaibang elemento o enerhiya sa bahay ninyo na hindi mo mawari kung ano? Tipong feeling mo, ang bigat-bigat sa pakiramdam, at parang napapansin mong sunod-sunod ang mga hindi magagandang nangyayari sa iyo at sa pamilya mo?

Usap-usapan ng mga netizen ang post ng "HugotSeminarista" Facebook page kung saan nagbigay sila ng 11 senyales kung paano malalamang may namamahay na "demonyo" o bad spirit sa inyong bahay.

Napapanahon ito dahil sa Biyernes, Hulyo 11, ipagdiriwang ang "Feast of St. Benedict."

"As we prepare to celebrate the Feast of St. Benedict on July 11, it’s good to remember the reality of spiritual warfare. While many strange events have natural explanations, persistent and unexplainable disturbances in the home could point to something spiritual. Always begin with prayer and seek help from a Catholic priest if needed," mababasa sa post.

Human-Interest

Boss, nabanas! Office worker na pumapasok nang maaga, sinibak sa trabaho

Kaya naman, nagbigay sila ng 11 senyales para masabing may nakatirang demonyo sa isang bahay na nagbibigay ng negative vibes.

1. Physical Disorientation- kapag lagi raw may sakit o nanghihina ang mga kasama sa bahay nang wala namang dahilan

2. Emotional Disorientation- kapag bigla na lamang daw nagkakaroon ng awayan, depresyon, spiritual dryness, o pakiramdam na walang nagmamahal, hindi minamahal, o walang halaga o worthless

3. Sudden Appearance of Insects or Animals- biglang paglabas daw ng maraming langgam, langaw, lamok, ahas, o mga ibon "out of nowhere"

4. Strange Odors- kapag nakaamoy raw ng mga kakaibang samyo gaya ng sulfur, asupre, nabubulok, o nasusunog kahit wala namang pinagmumulan nito

5. Odd Behavior in Pets- biglang galit na galit na tatahol ang mga aso sa mga espasyo o lugar sa bahay kahit wala ka namang nakikitang tao o bagay

6. Objects Moving- bigla na lamang nahuhulog, bumabagsak, gumagalaw, o lumilikha ng mga ingay kahit wala namang gumagalaw o wala namang alagang hayop

7. Endless Problems- walang katapusang problema na tila hindi natatapos at kung natapos man, tila may kasunod pa gaya ng problema sa pera, adiksyon, away o hidwaan sa pamilya, at paulit-ulit na trahedya

8. Strange Sounds- hindi maipaliwanag na tunog gaya ng mga pagkatok, yabag ng paa, mga tinig, at iba pang "hissing noises"

9. Creepy Feelings- biglang nakararamdam ng takot, kaba, bigat, lamig, o pakiramdam mong may nakasunod o nanonood sa iyo kahit wala ka namang kasamang iba

10. Sleep Trouble- hindi makatulog, laging may masamang panaginip o bangungot, pakiramdam na may dumadagan kapag nakahiga sa kama, at paggising na may nararamdamang takot at pangamba

11. Unusual Sightings- biglang nakakikita ng mga anino, kakaibang bulto o pigura, usok, handprints, dugo, o iba pang kakaibang bagay

Pero paalala nila, "These signs may have natural causes, so don’t jump to conclusions. But if several persist, protect your home through prayer, the sacraments, and sacramentals like holy water or the St. Benedict Medal. Most importantly, seek guidance from a Catholic priest or exorcist."

Ibinahagi rin nila na ang kanilang reference sa mga ibinigay nilang senyales ay mula sa Catechism of the Catholic Church, Paragraph 1673 – [Vatican Website].

May mga nararamdaman ka bang ganito sa inyong bahay?