Pinuri ni Kapuso comedy concert queen Ai Ai Delas Alas ang nakita niyang malinis na mga lansangan at bangketa sa Divisoria sa Maynila.
Kasama ang anak na si Sancho Vito, mismong si Ai Ai ang nakakita kung gaano raw kalinis ang Divi, matapos itong palinisan ng nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno Domagoso o tinatawag ding "Yorme Isko."
Sey pa ni Ai Ai, noon daw na hindi pa si Yorme ang namumuno sa Maynila, ay "Duminican Republic" daw ang Divi, o marumi.
"Kudos kay Yorme Isko ang linis na naman daw ng Divi sabi ng anak ko kasi nung pumunta sya na hindi pa si Yorme ma-duminican republic ... sabi ng anak ko IBA YUNG YORME," bahagi ng Instagram post ni Ai Ai.
Noong Hulyo 8 ay ibinida ni Yorme ang ilang mga larawang kuha sa bagong linis na Divisoria, partikular sa Recto Avenue.
"Consistency is the key!"
"Narito ang sitwasyon ngayong umaga sa Recto Avenue, Divisoria. Katulad ng dati, pananatilihin nating malinis, maayos, at nadaraanan ng tao ang lugar na ito. This is one of our non-negotiable areas," anang Yorme.
"Ibalik na po natin ang kalsada sa mga taga-Lungsod ng Maynila," saad pa ni Yorme.