December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Will, masaya para kina Dustin at Bianca: 'Support ko sila'

Will, masaya para kina Dustin at Bianca: 'Support ko sila'
Photo Courtesy: Will Ashley, Sparkle GMA Artist Center (FB)

Itinanggi ni Kapuso Sparkle artist Will Ashley na may nabuong love triangle sa pagitan ng mga kapuwa niya Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemates na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.

Sa panayam ng GMA Integrated News noong Martes, Hulyo 8, sinabi ni Will na wala umano naging triangle sa loob ng Bahay ni Kuya.

“To be honest, wala po talagang naging triangle sa loob ng Bahay. Alam po lahat ng housemates ‘yan,” saad ni Will.

Ngunit dahil nakasama umano ni Will si Bianca sa isang proyekto noon, hindi maiwasang i-ship silang dalawa sa isa’t isa.

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Samantala, kinumpirma rin ni WIll na nagkaroon nga sila ng pag-uusap noon ni Dustin nitong aminin ang pagseselos sa kaniya dahil kay Bianca.

“We had a talk. Na parang ‘yon nga po. Support ko sila. Nagiging honest ako do’n. At sinasabi ko nang buo na sinusuportahan ko siya. Masaya ako sa naging istorya nilang dalawa,” ani Will.

Matatandaang nakatrabaho ni Will si Bianca sa makasaysayang collaboration project ng ABS-CBN at GMA Network na pinamagatang “Unbreak My Heart.”