January 29, 2026

Home BALITA

TNVS driver na hinihinalang pinatay noong Mayo, hindi pa rin matagpuan ng mga kaanak

TNVS driver na hinihinalang pinatay noong Mayo, hindi pa rin matagpuan ng mga kaanak
Photo courtesy: Pexels

Patuloy ang imbestigasyon sa pagkawala ng isang transportation network vehicle services (TNVS) driver na pinagnakawan at hinihinalang pinatay ng tatlong lalaking pasahero sa Cavite.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News noong Martes, Hulyo 9, 2025, namataan ng ilang CCTV at dashcam ang ilang pangyayari, bago at habang isinasagawa umano ang krimen.

Batay sa nasabing ulat, nakuhanan pa ng CCTV ang pagdating ng biktima upang sunduin ang tatlong tao sa Parañaque City noong Mayo 18, 2025. 

Ilang sandali pa, muling nakita sa CCTV ang pagbalik ng sasakyan kung saan bumaba ang isang lalaki at na napag-alamang kumuha ng kutsilyo at saka bumalik sa sasakyan. Doon na raw nagdire-diretso ang kanilang biyahe hanggang sa Molino sa Cavite kung nasaan ang drop-off point ngunit hindi raw tumigil ang sasakyan.

Probinsya

Mga umaaligid na pating, isa sa mga hamon ng ‘search and rescue’ sa MV Trisha Kersten 3

Sa hiwalay na dashcam footage ng naturang sasakyan, lumabas sa imbestigasyon na isa na raw sa mga suspek ang nagmamaneho ng sasakyan at narinig ang usapang tila pananaksak na sa biktima na tinatarget ang puso nito.

Samantala, pagsapit ng 2:00 pm ng Mayo 18 nang makita naman sa Valenzuela ang pagdaan ng sasakyan ng biktima kung saan bumaba ang dalawang sakay nito na sumakay sa pedicab at saka lumipat sa isa pang sasakyan.

Bigong matagpuan ang katawan ng biktima.

Bagama’t nabisto na ang pagkakakilanlan ng mga suspek, hanggang ngayon ay hindi pa raw alam kung nasaan ang katawan o bangkay ng biktima.

Patuloy ang panawagan ng mga kaanak ng biktima at ikinasa na rin ang ₱100,000 na pabuya para sa sinomang makakatulong sa kanila.