Naglabas ng bukas na liham ang Student Council Alliance of the Philippines (SCAP) para kina Senador Kiko Pangilinan at Senador Bam Aquino kaugnay sa napipintong paglinya ng dalawa sa Senate majority.
Ito ay matapos sabihin kamakailan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada na hindi malabong mapabilang sa majority bloc sina Pangilinan at Aquino.
MAKI-BALITA: Paksyon nina Zubiri, tatayong minority sa Senado; Hontiveros, pwedeng isama
Kaya sa latest Facebook post ng SCAP noong Martes, Hulyo 8, sinabi nilang nagmamatyag umano nang mabuti ang publiko at umaasang kakatawanin nina Pangilinan at Aquino ang interes ng nakararami.
“As the 20th Congress begins to take shape and political lines are being drawn, the public is watching closely, hoping for leadership that will truly represent our interests,” saad ng SCAP.
Dagdag pa nila, “Our country is at a critical point: starvation is at our doorposts, our education is in crisis, and our Constitution requires vigilant safeguarding.”
Kaya naman hinimok ng SCAP ang dalawang senador na ikonsidera ang lumalaking bilang ng mga progresibo at democrats na nag-organisa, nangampanya, at bumoto para sa tunay na pagbabago.
Anila, “We urge you, forge a new direction for our nation’s political landscape — one rooted in genuine public service and a renewed sense of national purpose.”
“Should you decide to take this journey, rest assured that many will be with you every step of the way,” dugtong pa ng grupo.
Matatandaang sa kalagitnaan ng kampanya para sa 2025 midterm elections, hiniling noon ni Senator Risa Hontiveros na makasama sa Senate minority sina Pangilinan at Aquino.
MAKI-BALITA: Sen. Risa, kumpiyansang muling makakabalik sa Senado sina Kiko at Bam