December 16, 2025

Home BALITA

PCSO chairman na idinamay sa isyu ng nawawalang sabungero, umalma!

PCSO chairman na idinamay sa isyu ng nawawalang sabungero, umalma!
Photo courtesy: Via MB, screengrab from GMA News/YT

Tahasang itinanggi ng retired judge at ngayo’y Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Felix Reyes ang alegasyon ni Julie Dondon Patidongan o alyas “Totoy” hinggil sa pagkakasangkot daw niya sa isyu ng mga nawawalang sabungero.

Sa isang pahayag na inilabas ni Reyes noong Martes, Hulyo 8, 2025 na nailathala nitong Miyerkules, Hulyo 9, hinamon niya si Patidongan na patunayan ang naturang alegasyon.

Ayon kay Patidongan, sangkot si Reyes sa paglilinis daw ng mga kasong isinasampa sa umano’y mastermind na si Atong Ang tungkol sa mga reklamong hinaharap nito sa mga nawawalang sabungero.

“I categorically deny such wild accusations of Mr. Patidongan. I dare him to identify any case specific of Mr. Atong Ang or anything related to the sabungero case, which I understand is still pending in court, that I fixed or settled to the advantage of Mr. Ang. If Mr. Patidongan cannot substantiate his accusations of case-fixing, I ask him to shut up,” saad ni Reyes.

National

'Di pera kundi solusyon!' Sec. Dizon, binalikan lamesang nilapagan ng ₱300M nina Alcantara, Hernandez

Depensa pa ni Reyes, tila may koneksyon daw ang pahayag ni Patidongan na pumutok matapos siyang magsumite ng aplikasyon sa posisyon sa pagka-Ombudsman.

“I find it perhaps a rare coincidence that these wild accusations of Mr. Patidongan came out a day after I filed my application for the position of Ombudsman,” ani Reyes.

Sa kabila ng nasabing alegasyon, iginiit ni Reyes na nakahanda pa rin siyang makipagtulungan sa pamahalaan sa paggulong ng imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.