January 04, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Nakipagsabayan! Rico Blanco, parang miyembro ng SB19

Nakipagsabayan! Rico Blanco, parang miyembro ng SB19
Photo courtesy: Rico Blanco (FB)

Kinakiligan ng mga netizen ang paghataw sa sayaw ng OPM singer-icon na si Rico Blanco kasama ang all-male group na SB19 kamakailan.

Ibinahagi kamakailan sa social media ang isang 35-second video clip kung saan nakihataw si Rico sa SB19 sa awiting "Dungka."

Flinex din ito ni Rico sa kaniyang Facebook account.

"tumabi ako sa kanila. ang saya," aniya.

Musika at Kanta

Hindi nakakaaliw? Zsa Zsa Padilla nadismaya sa Aliw Awards, isasauli ang parangal

Sey ng mga netizen, parang hindi raw tumatanda si Rico at kung titingnan, para lang silang magkakaedad ng mga miyembro ng SB19.

May mga nagsabi pang puwede na nga raw kunin bilang miyembro si Corics.