Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
As of 8:00 AM ngayong Miyerkules, Hulyo 9, ang naturang LPA ay nasa 1,705km East of Extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, "unlikely" na maging bagyo ito sa loob ng 24 oras.
Samantala, muling pumasok sa tropical cyclone information domain ng PAGASA ang tropical storm "Danas," na dating "Bising," ngunit ito ay nasa labas din ng PAR na may layong 745km North Northwest ng Itbayat, Batanes.
Kaugnay nito, as of 9:00 AM, inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin sa Bulacan, Metro Manila, Cavite, at Batangas sa loob ng susunod na dalawang oras.