December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Lolit Solis, kinakalat mga sablay ni Paolo Contis kapag nag-aaway

Lolit Solis, kinakalat mga sablay ni Paolo Contis kapag nag-aaway
Photo Courtesy: Paolo Contis, Lolit Solis (IG)

Inaalala ni Kapuso actor Paolo Contis ang talent manager niyang si Lolit Solis na pumanaw kamakailan.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Hulyo 8, ibinahagi ni Paolo ang dahilan kung bakit niya nasabing protector niya si Lolit ngunit sa kabilang banda ay enemy rin. 

“Iba kasi kaming mag-away ni Nay Lolit, e. Grabe ‘yong pagpapagalit niya sa akin kapag may mga maling nangyayari. And kapag hindi ako sumusunod, ‘yong mga mali ko, ikakalat niya ‘yon,” lahad ni Paolo.

“Kaya ko siya enemy,” pagpapatuloy niya. “Tapos poprotektahan naman niya ako ‘pag nag-backfire sa akin.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Pero paglilinaw ng aktor, gano’n lang daw talagang maglambing si Lolit.

“She will protect you kahit kanino, kahit kanino talaga nang-aaway talaga siya. Nakita ko ‘yon, naranasan ko ‘yon,” sabi pa ni Paolo.

Matatandaang minsan nang nakasagutan ni Lolit ang kapuwa niya showbiz columnist na si Cristy Fermin noong Hunyo 2023 dahil lagi umano nitong “pinipitik” si Paolo.

MAKI-BALITA: 'Sana constructive!' Lolit sinita si Cristy, bakit laging 'pinipitik' alagang si Paolo

Sinagot naman isa-isa ni Cristy ang mga pinakawalang isyu ni Lolit laban sa kaniya tulad ng pamemersonal umano nito kay Kapuso star Bea Alonzo.

MAKI-BALITA: Cristy sinagot patutsada ni Lolit; 'pinamukha' pamemersonal kay Bea Alonzo