Palaisipan sa ilang netizens kung sino ang maswerteng lalaking kinandungan ng aktres na si Sarah Lahbati.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Martes, Hulyo 8, nagbigay ng sapantaha si showbiz insider Ogie Diaz sa identity ng misteryosong lalaki.
“Kasi may nag-post na isang friend ni Sarah. Siguro natutuwa sa kanila. Dahil si Sarah nakakandong do’n sa lalaki. Pinost ni Natalia Ortega,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “So, sinasabi na isang Ortega din ito. Siguro ‘yong Natalia saka itong Ortegang ito, magkamag-anak.”
Samantala, naghayag naman ng buong suporta si Ogie kung sakali mang ito na bagong lovelife ni Sarah.
Aniya, “Sino naman tayo para kumontra, ‘di ba, e lovelife naman ‘yan ni Sarah Lahbati. Deserve naman niya ‘yan.”
Ayon pa sa showbiz insider, kahit hindi raw niya natatanong ang estranged husband ng aktres na si Richard Gutierrez, alam daw niyang masaya ito para kay Sarah.
Matatandaang kamakailan lang ay naiuugnay si Sarah sa Tacloban City Councilor-elect Ferdinand Martin ‘Marty’ Romualdez, Jr.
Si Marty ay anak nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda K. Romualdez.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring imik o pahayag si Sarah hinggil sa parehong intriga.
MAKI-BALITA: Sarah Lahbati, nali-link sa anak ni HS Martin Romualdez