Natagpuang patay sa isang kanal ang 37 taong gulang na lalaki sa Barangay San Isidro, General Santos City.
Ayon sa mga ulat, isang residenteng mangingisda ang nakapansin ng masansang na amoy na nagmumula raw sa nasabing kanal. Sinubukan niya raw itong tuntunin hanggang sa tumambad sa kaniya ang bangkay ng biktima.
Napalilibutan ng dahon at kahoy ang bangkay ng biktima ng marekober ng mga awtoridad.
Batay sa pagsusuri, walang natagpuang ibang sugat sa katawan ng biktima at wala rin umanong nakikitang foul play sa pagkamatay niya.
Napag-alaman ding may epilepsy ang biktima na ayon sa kaniyang mga kapatid ay sumusumpong daw sa tuwing nakakaramdam siya ng gutom at at pagod.
Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad.