December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Julia pinaalala 'kontrabida roles' niya sa girls na magtatangkang agawin si Coco

Julia pinaalala 'kontrabida roles' niya sa girls na magtatangkang agawin si Coco
Photo courtesy: via MB/Julia Montes (IG)

Naloka naman ang mga netizen sa simple at pabirong "banta" ng Kapamilya actress na si Julia Montes, sa mga babaeng magtatangkang agawin mula sa kaniya ang love of her life na si "FPJ's Batang Quiapo" star Coco Martin.

Guest kasi si Julia sa latest vlog ni Euleen Castro alyas "Pambansang Yobab" kamakailan, na nakatanggap ng katakot-takot na bashing pagkatapos niyang magbigay ng feedback sa lasa ng kape at mga pagkain sa Iloilo, bagama't humingi na rin naman siya ng pasensya sa mga nasaktan sa kaniyang nasabi.

Kaya naman sey ni Julia, alalahanin na lang daw ng mga babae ang kontrabida roles na ginawa niya sa teleserye, gaya ni "Clara" sa remake nila ng "Mara Clara." at si "Sara" ng panghapong seryeng "Doble Kara" noon.

"Sa mga girls, alam n'yo na... ipapaalala ko lang nag-Clara ako, nag-Sara ako... ano pa bang mga kontrabida ang ginawa ko... lahat 'yon puwedeng maging ako in one day," natatawang sabi ni Julia.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

"Subukan n'yo pong magkamali, lahat po ng mga inaaral natin sa buhay eh i-aaplay natin," dagdag pa niya.

Hirit naman ni Euleen, "Hindi naman namin aagawin, gusto lang naming mag-Tanggol-Tanggol."

Oh girls, alam n'yo na ha!