December 13, 2025

Home BALITA

FPRRD, pwede umuwi sa dating misis sa Davao; ‘girlfriends,' keri lang dumalaw—VP Sara

FPRRD, pwede umuwi sa dating misis sa Davao; ‘girlfriends,' keri lang dumalaw—VP Sara
Photo courtesy: via PCO

Nagkomento ni Vice President Sara Duterte tungkol sa planong pagbebenta sa bahay ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Sa panayam ng ilang tagasuporta at media sa Pangalawang Pangulo sa The Hague, Netherlands noong Martes, Hulyo 8, 2025, iginiit ni VP Sara na napapaisip lang daw siya kung saan titira ang kaniyang ama kung sakaling makauwi pa siya sa Davao at tuluyang naibenta ang bahay nito.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Inabandona na?’ Bahay ni FPRRD sa Davao City, ibinebenta na!

“As a daughter, iniisip ko lang… kung ibebenta nila tapos uuwi siya sa Davao City? ‘Yun ang concerns namin,” ani VP Sara.

'Di kami namimilit!' Mga Duterte, nananatili hangga't gusto ng tao—FPRRD

Paglilinaw pa niya mismong ang common law wife na si Honeylet Avanceña at si dating Pangulong Duterte raw ang ang nagpundar ng naturang bahay na napabalitang ibinebenta.

KAUGNAY NA BALITA: 'Ha? Bakit ibenta?' FPRRD, hindi umano payag na ibenta ni Honeylet ang 'una niyang biniling bahay'

“I think na-acquire 'yung property during the live-in nila Honeylet and PRD (President Rodrigo Duterte) so ang status nun is co-ownership,” anang Pangalawang Pangulo.

Dagdag pa niya, “Depende na rin 'yun sa mapapag-usapan nilang dalawa, ni Honeylet and President Duterte, kung ano ang gagawin nila sa bahay.”

Kaugnay naman ng posibleng uwian ni dating Pangulong Duterte kung sakaling muli siyang makabalik ng Davao, iginiit ni VP Sara na bukas daw ang kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman na pauwiin sa kaniya ang dating mister at tanggap din na makabisita ang mga “girlfriends” daw ng dating mister.

“Sabi ni Mama (Elizabeth), okay naman daw bumisita yung mga girlfriends. Wala naman daw problema. Grabe no?” saad ni VP Sara.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pa muling malinaw na estado kung ibinebenta pa rin ang nasabing bahay.

KAUGNAY NA BALITA: 'Anyare?' For sale tarpaulin sa bahay ni FPRRD, binaklas na