December 13, 2025

Home BALITA

DMW, tinugis ang salon at training center na lungga ng illegal recruiter sa Imus

DMW, tinugis ang salon at training center na lungga ng illegal recruiter sa Imus
Photo Courtesy: DMW (FB)

Tinugis ng Department of Migrant Workers (DMW) para ipasara ang beauty salon at training center na pugad umano ng illegal recruiter sa Imus City, Cavite nitong Miyerkules, Hulyo 9.

Pinangunahan ni DMW Assistant Secretary Jerome A. Alcantara ang ikinasang operasyon katulong ang lokal na pamahalaan ng Imus, Cavite at Imus Police Station.

Ayon kay Alcantara, ang pagpapasara sa VMJ Beauty Salon at Jef & Eds Learning Center ay pagtupad umano nila sa kanilang mandato at sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Nandito tayo ngayon sa bisa ng kapangyarihan ng DMW sa pamamagitan ng RA 11641 na nagbigay sa amin ng mandato at sa direktiba rin ng Pangulo Bongbong Marcos Jr. at Secretary Hans Leo Cacdac na paigtingin ang kampanya natin laban sa illegal recruitment at human trafficking,” anang assistant secretary.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Kaya naman binalaan ni Alcantara ang mga illegal recruiter na kung hindi titigil ang mga ito, lalo raw magsisipag ang mga awtoridad at ahensya ng gobyerno para tugisin, ipasara, at ipakulong ang mga utak sa likod ng nasabing krimen.

Samantala, nanawagan naman ang DMW-Migrant Workers Protection Bureau para sa mga naging biktima ng ipinasarang salon at training center na makipag-ugnayan sa ahensya sa pamamagitan ng hotline: +63 2 8721-0619, email [email protected], o sa Facebook page (https://www.facebook.com/dmwairtip).

Inirerekomendang balita