December 12, 2025

Home SPORTS

Depensa ng Palasyo laban kay VP Sara, 'PBBM puro aksyon at hindi bakasyon!'

Depensa ng Palasyo laban kay VP Sara, 'PBBM puro aksyon at hindi bakasyon!'
Photo courtesy: Contributed photo

Dumipensa ang Malacañang laban sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa pamumulitika lang daw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at ng administrasyon nito.

Sa press briefing in Palace Undersecretary Claire Castro nitong Miyerkules, Hulyo 9, 2025, binalikan niya ang naturang pahayag ni VP Sara at pinuna rin ang pawang pagbabakasyon lamang daw sa ibang bansa ng Pangalawang Pangulo.

“Ang utos sa amin ay magtrabaho, iwasan ang pamumulitika,” saad ni Castro.

Dagdag pa niya, “Hindi po nag-aaksaya ng panahon ang ating Pangulo para tumulong sa taumbayan. Trabaho lamang po talaga ang nasa isip ng ating Pangulo,” saad ni Castro.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Kaugnay naman ng pagpunta ni VP Sara sa The Hague, Netherlands upang bisitahin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC), saad ni Castro, “Sa ngayon po ba nasaan si VP Sara? The Hague. At hanggang kailan siya doon? Hanggang July 23. Tandaan po natin: ang pangulo po, aksiyon - hindi bakasyon.”

Inaasahang magbabalik-bansa ang Pangalawang Pangulo sa Hulyo 23.