December 13, 2025

Home SHOWBIZ

David Licauco, pinayuhan si Dustin Yu

David Licauco, pinayuhan si Dustin Yu
Photo Courtesy: Dustin Yu (IG)

Nagbigay ng payo si Kapuso actor at Pambansang Ginoo David Licauco sa kaibigan niyang si Dustin Yu na ngayo’y nasa labas na ng Bahay ni Kuya.

Matatandaang si Dustin ang nalaglag na housemate kasama ang ka-duo niyang si Bianca De Vera bago tanghalin ang “Big Four” sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

MAKI-BALITA: DusBi evicted na: Mga 'anak' ni Mowm Klang, pasok sa Big 4

Sa ulat ni Aubrey Carampel nitong Miyerkules, Hulyo 9, sinabihan umano ni David si Dustin na dedmahin na ang haters.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

“Huwag mo nang isipin ang mga haters. Andiyan na 'yan. Control what you can control,” pagbabahagi ni David.

Dagdag pa niya, “"Kailangan niyang gawin 'yong mga ginagawa niya dati. Kung sino siya."

Matatandaang minsan na ring pinayuhan ni David si Dustin nang magsilbi siya bilang guest housemate sa Bahay ni Kuya matapos aminin ng huli ang nararamdaman nito kay Bianca.

Ani David, “It’s nice that you like someone, definitely. Mahirap makahanap ng babaeng gusto mo talaga since ngayon, sinasabi mo sa ‘kin gusto mo siya. Ang sa akin lang, ‘wag ka masyado sigurong emotional.”