Isasalaysay ang kuwento ng buhay ni Ricardo Cadavero o "Cardong Trumpo" sa "Maalaala Mo Kaya," na pagbibidahan ng Kapamilya actor na si JM De Guzman.
Sa kabila ng kaniyang tagumpay sa Pilipinas Got Talent Season 7 bilang Grand Winner, marami pa rin ang hindi nakakaalam sa likod ng kuwento ni Cardong Trumpo.
Abangan daw ang masalimuot at nakaka-inspire na buhay ni Cardong, tampok sina JM de Guzman, Jennica Garcia, Allan Paule, at Ana Abad Santos.
Isinulat ni Akeem Datol Del Rosario at idinerek ni Raymund B. Ocampo, mapapanood na sa iWant ngayong Miyerkules, Hulyo 9, ang biopic ni Cardo.
Kamakailan lamang, usap-usapan ang bonding moment nila ng isa sa mga naging hurado ng PGT 7 na si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.