December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Brent, ka-duo pa rin si Mika kahit nasa outside world na: 'Kakampi mo 'ko!'

Brent, ka-duo pa rin si Mika kahit nasa outside world na: 'Kakampi mo 'ko!'
Photo courtesy: Brent Manalo (IG)

Kinakiligan ng mga netizen ang Instagram post ni Kapamilya artist Brent Manalo para sa ka-duo na si Kapuso artist-influencer Mika Salamanca, na mas kilala sa duo bilang "BreKa."

Silang dalawa ang itinanghal na Big Winner para sa makasaysayang "Pinoy Big Brother celebrity Collab Edition."

Ayon kay Brent, mananatili pa rin ang duo nila ni Mika kahit nasa outside world na sila.

"Thank you for seeing my heart. What a privilege it is to be seen and be loved by all of you. There’s power in silence," aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

"Mika, magkaduo tayo sa loob— pero mas masasandalan mo ako ngayon na nasa outside world na tayo. Kakampi moko," aniya.

"Thank you Kuya, thank you pbb. Thank you housemates. Thank you Kapamilya. Thank you Kapuso. All Glory to God," dagdag pa.

Nagkomento naman dito si Mika ng tatlong crying emojis bilang pagpapakita ng appreciation sa sinabi ni Brent.