Isang bagong tambalan ang aabangan ng publiko ngayong Metro Manila Film Festival (MMFF51) 2025 matapos opisyal nang inanunsyo ang pagsasama nina Vice Ganda at Nadine Lustre sa pelikulang "Call Me Mother," sa ilalim ng direksyon ng batikang direktor na si Jun Robles Lana.
Isa ang pelikulang ito sa apat na entries na opisyal nang ipinakilala sa publiko, sa ginanap na grand launch ng MMFF51 sa ngayong Martes, Hulyo 8, sa Glorietta Palm Drive Activity Center.
Ang pelikula ay inaasahang magiging isa sa mga tampok na entry sa taunang film festival, na kilala sa paglalatag ng mga de-kalidad at makabuluhang pelikulang Pilipino tuwing Kapaskuhan.
Hindi na bago kina Vice Ganda at Nadine ang pagsasama sa pelikula. Ito naman ang pangalawang beses na magsasama sa pelikula sina Vice Ganda at Jun Robles Lana, matapos ang "And The Breadwinner Is..." noong MMFF 2024.
Ang Call Me Mother ay entry ng Star Cinema para sa MMFF.