Ipinagbigay-alam ng tinaguriang "Soul Diva" at "Nation's Mowm" na si ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate Klarisse De Guzman na hindi na siya makatutuloy sa grand launch ng Metro Manila Film Festival (MMFF51) 2025, para sa isang pasabog na performance.
Magaganap ang event ngayong Martes, Hulyo 8, sa Glorietta Palm Drive Activity Center.
Iaanunsyo sa nabanggit na event ang first batch of entries para sa MMFF51.
Ang dahilan, nagkasakit kasi si Klang na kung babalikan ang mga ganap sa nagdaang araw, simula nang ma-evict sila ng ka-duo na si Shuvee Etrata, ay hindi na napahinga sa sunod-sunod na events, guestings, at shows na kaniyang pinuntahan.
Pinakahuling appearance nga niya ay nang mag-perform siya at magpakita ng suporta sa Big Four, para sa ginanap na Big Night ng PBB sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City noong Sabado ng gabi, Hulyo 7.
Hindi na nga yata nakadalo si Klang sa after-party ng PBB sa loob mismo ng Bahay ni Kuya.
Ilan naman sa ex-housemates ang rerelyebo sa kaniya. Ito ay ang male Big Winners na sina Brent Manalo, Ralph De Leon, Esnyr, River Joseph, at iba pa.
Kaya wish ng fans at supporters, get well soon, Mowm!