December 13, 2025

Home BALITA

Josh Mojica, umamin na; inako rin paglabag sa batas-trapiko matapos itanggi

Josh Mojica, umamin na; inako rin paglabag sa batas-trapiko matapos itanggi
Photo Courtesy: Josh Mojica (FB)

Nagbigay na ng pahayag ang content creator at negosyanteng si Josh Mojica kaugnay sa paglabag niya sa batas-trapiko.

Matatandaang sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya niya matapos kumalat kung saan mapapanood na gumagamit siya ng cellphone habang nagmamaneho ng sports car.

Sa latest Facebook post ni Josh nitong Lunes, Hulyo 7, kinumpirma niyang inisyuhan siya ng LTO ng show cause order. Kaya naman inako niya ang ginawa niyang pagkakamali.

“Yes, I was issued a Show Cause Order for using my phone while driving. No excuses. That was my mistake. I take full responsibility,” saad ni Josh.

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Ayon kay Josh, nag-record lang umano siya ng quick selfie habang sakay ng kaniyang Porsche upang ma-capture ang naturang moment na hindi niya inakalang maaabot niya. 

“That wasn’t just a car. It was a milestone. A symbol of how far you can go when you stay focused, hungry, and relentless,” anang content creator at negosyante.

Samantala, pinaalalahanan naman niya ang kapuwa kabataan na huwag nang gayahin pa ang naging pagkakamali niya.

Nauna na niyang itinanggi sa pamamagitan ng Facebook post na siya ang content creator na tinutukoy ng LTO.

MAKI-BALITA: LTO, sinuspinde lisensya ni Josh Mojica