December 14, 2025

Home BALITA Probinsya

Ilang mag-aaral sa Nueva Vizcaya, nanunulay sa kable makapasok lang sa klase

Ilang mag-aaral sa Nueva Vizcaya, nanunulay sa kable makapasok lang sa klase
Photo courtesy: Crïzõn Tasin Attiw/Glory Madawat-Smith via GMA Regional TV (FB)

Usap-usapan sa social media ang ilang mga mag-aaral na tila nalalagay sa panganib araw-araw dahil kinakailangan nilang dumaan sa steel cable ng gumuhong tulay sa isang liblib na barangay sa Nueva Vizcaya para lamang makarating sa eskwelahan.

Ayon sa viral video ng concerned netizens na sina Crïzõn Tasin Attiw at Glory Madawat-Smith, na iniulat ng GMA News, ang tinatawirang tulay sa kanilang lugar na nasa ibabaw ng rumaragasang ilog ay nawasak nang tumama ang Super Typhoon Pepito noong Nobyembre 2024, dahilan upang mawalan ng ligtas na daanan ang mga residente sa lugar.

Ang mga mag-aaral ay pumapasok sa Pinayag National High School sa Sitio Macdu, Barangay Pinayag, Kayapa, Nueva Vizcaya. Itinuturing na isa sa mga paaralang pinakamahirap marating sa buong lalawigan ang kanilang paaralan dahil sa kinalalagyan nitong kabundukan.

Marami sa mga mag-aaral ang kinakailangang maglakad nang ilang oras, at kung minsan ay halos kalahating araw, lalo na tuwing tag-ulan, para lamang makarating at makadalo sa klase.

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

Sa panayam ng GMA Regional TV News sa gurong si Glory Madawat-Smith, ang ibang mga mag-aaral ay naghahanap at tumutuloy na lamang sa boarding house para hindi na problemahin ang mahabang biyahe patungong paaralan.

Hangad naman ng mga residente na maaksyunan ng lokal na pamahalaan ang kanilang problema.