Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 96.1% employment rate sa bansa nitong Mayo 2025.
Mas mataas ito kumpara sa 95.9% noong Mayo 2024 at Abril 2025.
Katumbas ng 96.1% ay ang 50.29 milyong Pilipinong may trabaho. Ito ay higit na mataas sa naitalang 48.67 milyong indibidwal nitong Abril 2025 at 48.87 milyon noong Mayo 2024.
Ayon sa PSA, ang pinakamalaking nakuhang trabaho nitong Mayo ay naitala sa wholesale and retail trade (489,000), agriculture and forestry (469,000), administrative and support services (371,000), accommodation and food services (365,000), at iba pang mga service activities (175,000).
Samantala, kasabay ng pagtaas ng bilang ng may trabaho ay ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa na 3.9% nitong Mayo 2025 mula sa 4.1% nitong Abril 2025 at noong Mayo 2024.
Bukod dito, bumaba naman ang underemployment rate ng bansa mula 14.6% nitong Abril 2025 patungo sa 13.1% nitong Mayo 2025.