December 15, 2025

Home SHOWBIZ

'Big winner ang atake!' Esnyr, pinalibutan ng nguso ng mga lalaking housemates

'Big winner ang atake!' Esnyr, pinalibutan ng nguso ng mga lalaking housemates
photo courtesy: Esnyr/FB

Big winner ang atake ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo dahil sa picture niyang kasama ang mga lalaking housemates na nakanguso sa kaniya.

Sa naturang picture na ipinost ni Esnyr sa kaniyang social media accounts ay makikita ang PBB Collab Edition housemates na sina Brent Manalo, Ralph De Leon, Will Ashley, River Joseph, Dustin Yu, Josh Ford, Emilio Daez, at Michael Sager. 

Hindi man nakasama sa group picture ay humabol naman si Vince Maristela.

Matatandaang itinanghal na 3rd Big Placer si Esnyr kasama ang kaduo niyang si Charlie Fleming. 

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Ang 2nd Big Placer Duo ay ang duo nina Ralph at Will (RaWi), 4th Big Placer Duo: AZ Martinez at River (AZVer), at Big Winner duo: Brent at Mika Salamanca (BreKa).

MAKI-BALITA: BreKa, itinanghal na ‘Big Winner!’

Samantala, ,atapos ang matagumpay na makasaysayan at kauna-unahang PBB collab edition ng ABS-CBN at GMA Network, magkakaroon ulit ito ng panibagong season batay na rin sa anunsyo ng main host na si Bianca Gonzalez.

MAKI-BALITA: ABS-CBN, GMA tuloy-tuloy sa PBB Celebrity Collab Edition