December 20, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anyare? Karmina Constantino napahinto habang nagbabalita, netizens nag-alala

Anyare? Karmina Constantino napahinto habang nagbabalita, netizens nag-alala
Photo courtesy: Screenshot from ANC

Bumuhos ang pag-aalala ng mga netizen para kay ABS-CBN News Channel news anchor Karmina Constantino matapos niyang mapahinto ng ilang mga sandali habang nagbabasa sa ulo ng mga nagbabagang balita, sa pagsisimula ng programang "Dateline Philippines" noong Lunes, Hulyo 7.

Ibinahagi ng isang netizen sa X ang video clip nito kung saan mapapansin ngang tila nagkaroon ng antala sa pagbabasa ng headlines si Karmina, at maririnig din ang ilan sa malalim niyang paghinga.

Maya-maya pa, nang mapunta na kay Karmina ang focus ng camera ay agad siyang nagpaalam para sa isang commercial break.

Nang matapos ang break, pinalitan na siya ng isa pang ANC news anchor-reporter na si Stanley Palisada.

Tsika at Intriga

‘Ano yon itatapon ko lang pera ko?’ Vice Ganda, hindi bet tumakbo sa politika

"HOPE YOU'RE OK," saad ng concerned netizen na si Ralph Domingo.

"ANC anchor Karmina Constantino opened today's edition of 'Dateline Philippines', only to announce a sudden commercial break a minute in."

"Stanley Palisada replaced her for the remainder of the newscast," aniya.

"No word on why she left the show abruptly, but hope it's nothing serious," dagdag pa.

Nag-alala naman ang mga netizen para kay Karmina.

"kamusta ka, maem @ConstantKC? we’re praying that everything’s okayyyy!"

"I hope all is well with you, Ms.@ConstantKC. Praying for your health and strength."

"She sounded like she was heavily sighing. I hope she is okay."

"I think it’s because may tech issue. Delayed audio nila."

"She sounded to be gasping to catch her breath."

Matapos nito, tiniyak naman ni Karmina na okay lang siya sa pamamagitan ng X post kinagabihan.

"Hi, all. Thanks for the concern and well wishes. I'm ok. Be back soon," aniya.

Hindi naman idinetalye ni Karmina kung anong nangyari sa kaniya sa pagsisimula ng programa.

Sa vlog ng kasamahang si Bernandette Sembrano-Aguinaldo, nag-open up si Karmina tungkol sa pagkaka-survive niya sa brain aneurysm noon.