Niyanig ng 4.1 magnitude na lindol ang Northern Samar nitong Martes ng umaga, Hulyo 8.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol kaninang 8:38 ng umaga sa Mapanas, Northern Samar. May lalim itong 15 kilometro at nagmula sa tectonic.
Dagdag pa ng ahensya, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.