Naghayag ng paghanga si dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo sa kayang gawin ng artificial intelligence o AI.
Sa latest episode ng “Politika All The Way” kamakailan, sinabi ni Panelo na bilib umano siya sa AI na kayang pagmukhaing totoo ang isang bagay.
“Hanga ako sa AI na ‘yan. Totoong-totoo. Tingnan mo ‘di ba pinakita do’n naghahalikan si De Lima saka si Digong,” saad ni Panelo.
Dagdag pa niya, “Like for example, ang daming nangungumusta sa akin. ‘O, kumusta si Digong? Bumisita ka pala do’n.’ Bakit? ‘Di ba nasa social media? Nakalagay do’n Panelo is in Hague.’”
Pero ayon kay Panelo, totoo umano ang naturang video na nakita ng nagtanong sa kaniya ngunit kuha umano iyon sa Hong Kong.
Matatandaang minsan nang nabiktima ng AI video patungkol ang dalawang kaalyado ni Panelo na sina Senador Bato Dela Rosa at Congressman Pulong Duterte.
MAKI-BALITA: Sen. Bato, ‘kumagat sa AI video’ ng mga estudyanteng ayaw sa impeachment ni VP Sara