Tila may ibang kutob ang ilang netizens matapos ianunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang muling pagtaas ng tiyansang magkaroon ng eruption ang Taal Volcano.
Ayon sa Phivolcs advisory noong Linggo, Hulyo 6, 2025, patuloy daw ang pagtaas ng volcanic tremor sa nasabing bulkan.
"Since 03:37 AM today, 06 July 2025, stations of the Taal Volcano Network (TVN) situated on Taal Volcano Island (TVI) have been recording a pronounced increase in real-time seismic energy measurement or RSAM simultaneous with continuing volcanic tremor," saad ng Philvolcs.
Dagdag pa ng ahensya, nananatili pa ring nakataas sa alert level 1 ang Taal Volcano na nangangahulugang nasa abnormal condition pa rin ang ang aktibidad ng bulkan.
"Alert level 1 prevails over Taal Volcano, which means that it is still in abnormal condition and should not be interpreted to have ceased unrest nor ceased the threat of eruptive activity," anang ahensya.
Bunsod nito, tila hindi naman naisantabi ng ilang netizens ang kasalukuyang isyung bumabalot sa Taal Lake matapos itong madawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Matatandaang isang whistleblower na si alyas “Totoy” o Julie Dondon Patidongan sa totoong buhay, ang lumantad at nagsiwalat na sa lawa raw ng Taal itinapon ang mahigit 100 mga bangkay ng nawawalang sabungero at ilang drug lords alinsunod sa utos ng businessman na si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto.
KAUGNAY NA BALITA: Bangkay ng mga nawawalang sabungero, itinali sa sandbag para lumubog sa Taal Lake
KAUGNAY NA BALITA: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero
Kaya naman palagay ng netizens, paraan lang umano ang pagsasabing nag-aalburoto ang bulkang Taal upang hindi maikasa ang retrieval operations sa mga labi ng biktima ng pinaniniwalaang doon itinapon.
KAUGNAY NA BALITA: PCG, handa nang sisirin Taal Lake para sa bangkay ng mga nawawalang sabungero
"From sabong to sabog real quick."
"Pati Phivolcs nasa payroll na rin ni Atong Ang."
"Nabayaran 'yan para mag-erupt!"
"Haunted by the souls of the missing sabungero seeking justice?"
"So wala ng imbestigasyong mangyayari?"
"Bayad na 'yan para hindi masisid yung lawa!"